kamusta na super friends? ako ok naman. tulad pa rin ng dati. busy pa rin sa paghahagis ng bote ang superjaid nyo. hagis dito. hagis doon. palpak pa rin ako. madalas pa ring mabagsakan ng bote sa paa at tamaan ang braso at mga binti. kaya marami akong bagong pasa. hahaha
galing akong inuman last saturday. at umuwi ng lasing ang inyong lingkod. sakit sa utak kinaumagahan. tinamaan ako ng hangover. hihihi kaya nakadalawang tasa ako ng kape, isang cup noodles at 3 baso ng coke. nyahaha kinahapunan, habang nanunuod ng NBA, nakita ko ang isa sa sponsor ng nasabi game. natakam ako bigla. tinext ko si mareng sam.
"Mare, ano na ngang tawag dun sa pastry na dinidip sa chocolate sa taco bell?"
hintay ako ng reply. ang tagal. naisip ko na lang ang tawag wala pa ring nagrereply. natatakam talaga ako. gusto kong kumain ng burrito, churros, nachos at quesadilla. *insert message tone here* atlas! nagreply si mare.
Mare: "churros. miss ko ng magtaco bell."
Ako: "ako din. pwedeng makitulog dyan? bilan na rin kita sa taco bell. nagkecrave ako eh. =D"
Mare: "sige. nachos, 1/4 pound burrito, churros at cheese quesadilla ang sa akin."
Ako: "sige."
naligo. kumuha ng ilang damit, toothbrush, deo spray, at kung anu ano pang kailangan para sa sleepover. dumaan ng trinoma para bumili ng order ni mare. around 7pm dumating ako kila mareng sam. nandun boylet nya si rocker luigi. chika chika. net net. lamon lamon.
around 9pm naisipan kong manuod ng bleach. kailangan ko na nga palang humabol. episode 356 na ang latest nasa 131 lang ako nung bakasyon. so nanuod ako, inabot ako ng 4am kakanuod adik eh. hirap pang magstream. haaay..
around 4:30pm nagutom kami ni mare kaya napagpasyahan naming gumawa ng sandwich. halungkat sa pantry. sa ref. nakakita ng chicken burger patty. ayos. hanap pa ng pwedeng isama sa sandwich. nakakita ng kamatis, mustard, barbecue sauce, mayonnaise, manhattan dressing, cheese at itlog. YOSH! ready na. luto luto. pagkatapos iluto ang patty, at itlog. pinagsama sama na. make your own sandwich kami ni mareng sam. at eto ang kinalabasan ng aking sandwich.
takaw noh? hihihi di man halata pero malakas talaga akong kumain as in. kaya siguro may bilbil ako sa tyan unlike dati na flat tummy ko. huhu anyway..mga 10pm na rin ako nakauwi sa amin nyan galing kila mareng sam. paguwi ko tulog agad. haha tamad talaga eh. =D
oh siya gang dito na lang. till next post super friends! mwuah!=D

sama ako taco bell!!!
ReplyDelete:))
sure. magtext ka kasi kapag off mo =D
Deleteang kapal ng sandwich ni mare. hehehe. Tuwing andito ako sa blog mo nagugutom ako hehehe. Ingat sa paghagis ng bote.
ReplyDeletekaya nga eh ang kapal nahirapan din akong kainin yan. hahaha
DeleteSarap mo sigurong maging bisita ang galing gumawa ng pagkain. Kahit medyo sumasakit tyan ko ngayon bigla ako nagutom, minsan paluto naman haha.
ReplyDeletesure ipagluto kita kapatid kapag may pagkakataon =D hihi masarap din akong kakwentuhan kapatid. madaldal eh hahaha
Deletepwede ka rin makitulog sa bahay, basta take note na lang ng order ko. hahaha
ReplyDeletehahaha ano ba order mo sis?=D
Deletewow.. mukhang masarap ang sandwich niyo ahhh... ako rin.. mahilig me mag experiment... yahooo.... pag uwi ko. pwede ka rin makitulog sa bahay ko.. basta tulad ni mareng at jhengphot... oorder din ako.... ahahahhaha.. joke..
ReplyDeletemasarap po talaga yan..busog ako gang gabi eh. heavy duty sandwich hahaha ano order mo kuya?=D
Deletepenge naman niyan :)
ReplyDeletenext time kuya gawan kita =D
Deletewala ako alam sa food n pinaguusap niyo..hahaha..
ReplyDeletepuro kasi macaroni alam mo eh kuya. di obvious na favorite. =D
Deletesana ako din gawan mo pag-uwi ko ah. .rerequest ako. haha!
ReplyDeleteay sure sis. sandwich lang pala no problem. kailan ba uwi mo?=D
Deletesana makatikim din ako ng masarap mong sandwich, ingat sa paghahagis hagis, baka kung ano na mahagis mo hehe :)
ReplyDeletedaming gustong makatikim nice. sige po igagawa din kita kapag nagkita tayo =D thank you po
Deletesarap naman niyan!! fenge naman! hehe
ReplyDeletetara dito sis bibigyan kita. =D
DeleteSulit ang long weekend mo, grabe laki ng sandwich, mukhang masarap yan prepared by an HRM...
ReplyDeletetama po. super sulit. daming gala hehehe
DeleteThis is what i really miss....Being an HRM student... Inuman sa loob ng room...
ReplyDeleteJust enjoy studying...
Masaya ang HRM student...
U have all the freedom to try new...
ingats...
Sorry nagluluko ang computer ko...Dapat s inuman session ito sa school...
Delete