Last post naikekwento ko na sa inyo yung first part ng inuman session namin sa school. kung di mo pa nabasa punta ka DITO.
ok so ayun nga naginuman kami ng ibat ibang klase ng alak. pagkatapos naming tikman lahat, pinagawa na kami ng mga cocktail drinks gamit ang ibat ibang klase ng mixing technique.
natapat sa akin ang paggawa ng margarita using the shaking technique. you need a shaker to do this. at eto ang recipe. yup!you read it right. isasama ko kung ano ano ang mga kailangan at kung paano gumawa ng mga cocktail na minix namin nung nakaraan para masubukan nyo rin sa bahay o sa inyong susunod na inuman. =D
Margarita ang mga kailangan mo eh 1 jigger tequila, 1/2 jigger lime juice 1/2 jigger triple sec and ice. ang kung wala kang jigger, pwede kang gumamit ng maliit na shot glass pangmeasure. ilagay mo ang lahat ng ingredients sa isang shaker kasama yung ice tapos alugin gang lumamig. bago ilagay sa margarita glass or cocktail glass lagyan muna ng asin ang paligid ng rim o nguso ng baso tsaka ilagay ang mix drink. eto ang magiging itsura ng drink mo.
pwede mo ring gawin ito sa ibang paraan. same ingredients pero instead of shaking the ingredients you will use blend technique. ilagay ang mga sangkap sa isang blender kasama ang yelo syempre at iblend until smooth. at presto!may frozen margarita ka na tulad nito
ang pangalawang drink natin eh ang Cuba Libre o mas kilala dito sa pinas bilang rum coke. eto ang mga kailangan cube ice, 1 jigger rum, cola to fill and lime wedge. una, ilagay ang yelo sa baso preferably a tall glass tapos ilagay ang rum at cola. pagkatapos isqueeze ang lime wedge sa cocktail. ayan, may cuba libre ka na tulad nito
ang sunod naman natin drink eh ang Harvey Wallbanger. ang mga kailangan lang ay 1 jigger vodka, orange juice to fill, at 1/2 jigger Galliano. tulad ng cuba libre build technique din ang gamit dito pero parang gumamit ka rin ng float technique sa dulo. anyway..sa isang baso maglagay ng sapat na dami ng yelo, ilagay ang vodka tapos isunod ang orange juice, at ang pinakahuli eh ang galliano. at ayun may harvey wallbanger ka na like this one
next is the Martini and you needed 6 parts gin 1 part dry vermouth, and olive or lemon twist. yung term na part eh parang ratio lang. for example, 6 na jigger ng gin at isang jigger ng dry vermouth. ganun kasimple. =D haluin lang ang mga sangkap kasama ang yelo pero wag isama ang yelo kapg iseserve na ang drink. ganoon ang stadard eh. sa isang rock glass to isineserve. pero noong gawin namin to sa ibang baso namin inilagay kasi nagkaubusan ng baso. hahaha
at ang pinakahuli sa lahat pero isa sa pinakamasarap eh ang Mudslide. kailangan mo ng 3/4 jigger Bailey's Irish cream at 3/4 jigger dark creme de cacao para sa drink na to. ilagay lang ang bailey's irish cream sa baso na puno ng crushed ice at isunod ang creme de cacao. ganun lang kasimple may mudslide ka na tulad nito oh
note wag gumamit ng lemon as garnish tulad ng nasa picture. =D
sana nagenjoy kayo at maraming natutunan sa post kong ito. at sana matry nyo rin ito sa kanyang kanyang bahay o sa next inuman nyo =D sige till next post super friends!mwuah!






Sarap uminom! Di na ako nakakatikim ng alak! Lol
ReplyDeletesaya naman parang mixology lang ah..
ReplyDeletehuwaw margarita! musta kumareng jaid? >_< ahihi~
ReplyDeletehuwahhhhhh.... nagmix mix talaga kayo... alam mo ba na gusto ko noon na maging baritas.... sobra.....
ReplyDeletewag ka sana magwala sa klase kpag uminom ka na naman, remember nung nagdive ka kinatokwa?? ahahaha
ReplyDelete:))
nauhaw ako ah.
ReplyDeleteWow, very informative! :D
ReplyDeleteParang ang sarap ng sa second picture, yung Margarita na niblend. para syang.. shake with a twist. LOL.. Matry nga din yan.
Sa lahat yata ng drinks with alcohol na natikman ko Margarita ang favorite ko.
ReplyDeleteAkala ko naman nag-inuman talaga kayo. hahaha.
ang sarap ng mga lime.. hahaha
ReplyDelete