Friday, January 20, 2012

Abot Langit

Di lingid sa inyo na isa akong HRM student. At ang mga tulad ko ay exposed na exposed sa ibat ibang klase ng pagkain. Mga pagkain nagbigay sa akin ng ibat ibang klase ng emosyon. Tuwa, saya, kilig, lungkot, disappointment, excitement, pandidiri at galit. Oo tama may mga ganong pagkain minsan nga mapapamura ka sa sama ng lasa o sa tapang ng lasa. Hihi minsan nga sinusumpa mo pa. =D

I know every one of us has his or her own food faves. Mga pagkain malabo nating pagsawaan o mga pagkain nagpaparelax , nakakapagpawala ng stress sa atin. May mga taong mahilig sa ice cream, chocolate, pizza, pastas, at kung anu ano pa. at syempre ako di magpapahuli, mayroon din akong sarili kong mga paborito. Mga pagkaing kapag iyong hinain sa akin eh mahahalikan kita at mamahalin habang buhay char. =D

Eto ang ilan sa mga pagkain kapag nasa hapag kainan eh asahan mong kakainin ko at madalas simot na simot talaga. (in no particular order)

1. Mushroom soup o kahit nong pagkain na may mushroom. Di ko alam kung ano ang meron sa kabute at mahal na mahal ko siya. Kapag nasa pasta ang kabute, asahan mong pagkatapos kong sumalok ng pasta and its sauce eh kukuha ako ng mga mushroom paisa isa. Kahit magamok pa ang mga tao na kabay kong kumukuha sa tagal ko. Wahaha


2. Carbonara – mas mahal ko ang carbonara kesa sa spaghetti. Una dahil may mushroom ito at dahil sa creaminess ng gatas na meron ito. Isa rin ito sa specialty ko. =D



3. Corn – napakahilig ko sa mais lalo na yung may butter and cheese powder. Haay! Langit! Pero di naman ako choosy ok na sa akin ang mais at asin. Solb na ko dun. Mahal na kita pagkatapos nun. Hihi


4. Egg drop with corn soup – isa rin to sa mga paborito ko at specialty ko na rin dahil sa lagi kong hinahanap hanap kaya gumawa na ako ng sarili kong version =D pinagsamahan sweetness ng mais and ang distinct taste ng egg kapag hinalo sa gatas o kahit wala ng gatas basta may chicken stock or shrimp stock solb na.


5. Shrimp and crab – kapag ito ang ulam asahan mong magkakamay ako. Oo kamay talaga. Wala akong pakialam sa sasabihin ng makakakita. Masarap magkamay kapag seafoods eh. Tapos mainit ang kanin. My gawd! Buti na lang wala akong allergy sa seafoods. Pinagpala pa rin pala ako. Hihihi pinakapaborito kong luto sa hipon eh yung ginataang hipon at kalabasa, sa crab naman ok na ko basta may sukang may asin. =D



Isaw – isa to sa mga pagkain marami sa mga kakilala ko ang ayaw. Marumi raw kasi kaya sa pork bbq na lang sila kapag nasa ihawan kami pero ako walang pakialam sa sinasabi nila. Mahal ko ang isaw. Sobra! Lately, to be exact a year ago nakilala ko ang fried isaw at boom! Nakakalimang stick ako araw araw. Kung di lang mahal baka 10sticks pa nga.



Balot – pagkain ng mga nagpapatigas ng tuhod. Pero ako di ko kailangan ng ibang rason para mahalin ang balot. Kaso di ako kumakain ng sisiw. Yeah I know kinda lame sana penoy na lang ang kinain ko pero iba kasi ang lasa ng balot sa penoy. Kaya kahit di ko kinakain yung sisiw balot pa rin ang gusto ko. =D



Wanton noodles – eto ang new favourite ko at halos inaaraw araw ko sa chowking ayoko ng lasa ng sa hen lin eh. Sobrang sarap! Yung init nung sabaw, yung sarap ng noodles na kino-complement ng lasa ng wanton especially pork wanton. Samahan mo pa ng siopao asado. Langit. Abot langit talaga ang ligaya ng mga bulate ko sa tyan. =D



Ice cream – lalo na kapag Cookies and cream at vanilla. Sa sobrang pagmamahal ko sa cookies and cream flavoured ice cream kaya kong umubos ng 1L. No joke! Bihira akong makakain nito kasi naman medyo pricey kaya todo todo na kapag meron =D



Chocolate and chocolate chip cookies– sino ba naman ang may ayaw ng tsokolate? Ako aminado akong napakahilig ko sa chocolates at mga matatamis na pagkain. Kaya di nakapagtatakang magkadiabetes ako someday pero I wish I won’t happen hahaha 



Oh siya yun na lang muna. Wala na akong maisip eh. Nablangko na naman utak ko hihihi pagkatapos ng post kong ito nagutom nanaman ako kaya kain muna ko. Till next post super friends!mwuah!


lahat ng larawan ay nagmula sa google liban na lang sa larawan ng carbonara

24 komento:

  1. halos pareho tayo pera lang sa balot, kasi hindi ko kinakain dun yung sisiw. hehe

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. ung mais ang di ko kinakain eh. ewan ko ba :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. uhm may kanya kanya naman tayong gusto at ayaw eh ok lang yan =D

      Delete
  4. Carbonara at Ice cream ang peborito ko at ung macaroni ng roomate ko. Kadiri much sa akin ang balot..ew!haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha di pa rin ubos ang macaroni ng room mate mo kuya?wahaha kaloka!

      Delete
  5. kapatiiiid nagutom ako hahahahha, inadd mo pala ako sa fb haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup inadd kita nakita ko sa blog mo eh haha =D

      Delete
  6. humanda angmga food na yan, aatak kme malapit na!

    ReplyDelete
  7. naglaway ako sa post na 'to! slurp!

    ingat lang sa isaw. wag naman 5 araw-araw. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. ngayon po bihira na ko makakain nakakalungkot kasi wala ng kasabay hehehe =D

      Delete
  8. nakakagutom naman dito jaid. gusto ko yong carbonara kahit umaga lunch and dinner swak na sa akin yan!! sarap!! with ice cream pa sa toilet ka mamahinga!! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay nasubukan ko na yang breakfast lunch dinner carbonara hehehe

      Delete
  9. Nakakagutom na post. :( Grabe. Parang gusto kong i-raid bigla yung kusina namin. Hehehe.

    ReplyDelete
  10. gusto ko din yung mushroom soup, lalo yung sa KFC :) Nakakagutom naman ang post mo :) Manlilibre ka siguro ng pagkain(?) :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. sarap nun!gusto kong magkfc!libre mo ko kuya?

      Delete
  11. Superjaid.. pag uwi ko.. papatulong ako sa iyo.. pwede??? plann ko kasi magbukas ng sarili kong food cart... kaso hindi ako marunong... sana matulungan mo ako.. tutal marunong ka naman mag luto.. marahil pwede ka magsuggess sa akin kung ano dapat gawin... ehehhehe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. sure kuya walang problema magsabi ka lang po =D

      Delete
  12. saraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaapppppppppppppp... subra.. kaya nga namiss ko tuloy last gf ko yung HRM din.. sa kanya ako tumaba.. hahaha

    ReplyDelete
  13. 1. Favotire ko ang mushroom soup. Kapag kumain ako sa KFC hindi pwedeng wala niyan. Kahit anog soup yata gusto ko.

    2. Love ko spaghetti pati carbonara, saka pwesto, alfredo actually basta pasta.

    3. Masarap ang mais pag fresh pa. Kasi minsan yung nabibili sa mga kanto oldies na, wala ng juice. di na masarap.

    4. mahilig ako magluto niyan dati. Madalas kong gamitin na corn yung white tapos may groudn pork saka dahon ng sili. Pero mukhang masarap yung version mo, recipe naman.

    5. Shrimp and crab masarap sa gata. Pero gusto ko din ang shrimp na pakuluan lang sa 7 up. di pala tayo pwede magsama kasi baka walang tayuan sa mesa sabay nakakamay pa.

    Yung balot hindi ko din talaga makain ang sisiw. Yung sabaw ng balot masarap. Nagutom ako bigla sa post mo. Sige dito muna, kain lang ako.

    ReplyDelete
  14. Nag comment ako dto pero saan napunta?! hehe! or baka akala ko naposted, hmp.. ang sasarap naman! mas love ko pa rin ang classic na spag (classic daw ow hehe!) kaysa sa carbonara.. waahhhh the Chocolates!!!! my layp!!

    ReplyDelete