Wednesday, December 28, 2011

“What Would You Do?”

Oct. 3, 2011

Nakapanuod ako sa studio 23 ng isang show entitled “What Would You Do?”. It’s an American based reality show where they create different scenarios to test passersby kung tutulong ba sila or kung ano ang magiging reaction at kung maglalakas loob ba silang makialam sa nakikita at naririnig nila. Yung pinakatumatak sa akin eh yung naghire sila ng isang lalaki at isang babaeng artista upang magkunwaring nahihilo at hihimatayin sa daan. Yung babae pinagsuot nila ng desente yung office girl ang dating tapos yung lalaki naman pinagmukha nilang palaboy.

Nung yung babae ang hinimatay sa daan ilang segundo lang ang lumilipas may tutulong na kagad sa kanya at tatawag ng 911 pero nung yung lalaking nagpanggap na palaboy na ang hinimatay, dinadaan lang siya ng mga tao halos walang tumulong sa kanya meron mang mangilang-ngilan ngunit inabot pa ng mahigit sampung minuto bago may tumulong sa kanya at tatawag sa 911, at kapansin-pansin din na walang gustong humawak sa kanya, karamihan kasi ng tulong na natanggap nung lalaki ay sa pamamagitan lang ng pagtawag ng ambulansya, walang nagtangkang icheck ang vital signs nya or something.
Next day binago nila yung scenario pinagmukha naman nilang lasing yung lalaking hinimatay. Dito ako nagulat dahil 88 na katao na yung dumaan pero wala man lang ni isang tumulong sa kanya, tinitingnan lang siya at dinadaanan hanggang sa napadaan ang isang babaeng physically challenge na napagalaman din isa palang palaboy, hindi nagdalawang isip yung babae na lapitan yung lalaki para icheck yung kagalayan nya. At dahil nga sa isang palaboy yung babae wala siyang cellphone kaya sa bawat dumadaang tao sa harap niya nakiusap na lang siya na kung pwedeng tumawag sila ng ambulansya para dun sa lalaki. Sobrang nanlumo ako dahil mahigit bente singkong tao na ang dumaan at pinakiusapan nung babae pero wala pa ring tumutulong sa kanila.

Naisip kong bakit ganoon? Wala silang pakialam sa kanilang kapwa, hindi ko lubos maisip na kung mawala ako ng mawalay sa gitna ng kalsada ay walang tutulong sa akin at papabayaan na lang akong mamatay dun. Grabe hindi ba? Bakit yung tulad pa nung babae na may kapansanan at walang kakayahang tumulong pa ang nagmalasakit at gumawa ng sarili nyang paraan para tulungan yung lalaking nakahandusay sa gitna ng mataong kalsada? Samantalang nung isang babaeng may maayos na kasuotan at napaghahalataang may pera eh handang tulungan ng lahat. Bakit nilang pinipili ang kanilang tinutulungan? Naisip ko tuloy, kung sa Pilipinas nangyari yung ganyan, sigurado akong segundo lang ang lilipas mayroon at mayroong tutulong kahit ano pa ang kanilang kasuotan, hindi ba? Kaya nga natutuwa akong isipin na hindi man kasing unlad ng ibang bayan ang ating lupang sinilangan eh maaari pa rin tayong maging PROUD na isa tayong Pilipino dahil sa mga ugali nating tulad ng pagiging matulungin sa kapwa.

I’M PROUD TO BE PINOY IKAW RIN HINDI BA? =)

**********

nasa panagasinan ako ngayon kaya di nakakapagblog next year bawi na lang ako hahaha

HAPPY HOLIDAYS SUPER FRIENDS!=D

3 komento:

  1. naalala ko sa post mo ung nangyari sa sa china, ung batang nasagasaan, almost 20 ata ung dinaanan lang ang kawawang bata..

    Likas sa atin mga pilipino ang pagiging matulongin! un ang isa sa nakakaPROUD s pagiging pilipino!

    ReplyDelete
  2. Feeling ko kaya walang gustong lumapit sa kanya hindi dahil sa ayaw nilang tumulong kundi dahil natatakot sila kasi yung ibang palaboy, bayolente, siguro natatakot silang masaktan.

    Naalala ko yung sa wish ko lang, maraming artista ang nagpapanggap na taong grasa. Kung yung kakilala ko ang mapapadaan sa ganun, sigurado ako hindi siya lalapit kasi may phobia siya sa taong grasa dahil hinabol siya dati ng isang palaboy nung binigyan niya ng pagkain.

    Pero for sure maraming tao ang may likas na mabuting loob lalo na sa mga Pilipino. Tulad ng nangyari recently sa CDO, nasubok nanaman ang pagiging matulungin ng mga pinoy at dun pa lang nakaka-antig na ng puso.

    ReplyDelete
  3. Hi Looking for new online cockfight betting? Here's a site that will sure give you the best online cockfight betting. It is where big bettors are rolling in! Join the Sabongking.com match betting, with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit arena: Big derbies, big bettor and clearest video. Feel the adrenalin rush as you watch and place your bets. Be part of the action and not a mere spectator! Be the SABONGKING ! A true gamecockers don't just watch they BET. So start loading your Sabongking virtual points now. Visit the site and SIGN UP! www.sabongking.com

    ReplyDelete